Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang mahigpit na pagsunod sa health protocols kontra COVID – 19 ng mga sundalo.
Ito’y kasunod ng pag-arangkada ng “Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat” (KAMANDAG 5-21) exercise sa pagitan ng tropa ng Pilipinas, Amerika at Japan.
Ayon kay Philippine Marine Corps Commandant, MGen. Ariel Caculitan, nasa 242 miyembro ng Philippine Marines ang lalahok sa walong araw na war games.
Kasama nila ang 12 tauhan mula sa United States Marine Coprs gayundin ang may 25 Ground Self-Defense Pesonnel ng Japan.
Kabilang sa mga nakalatag na aktibidad sa pagsasanay ay ang Humanitarian Aid at Disaster Response na gagawin sa Zambales, Counter-Terrorism na gagawin naman sa Corregidor Island.
Gayundin ang Coastal Defense na gagawin sa Cagayan at ang panghuli ay ang Staff Integration Activity na gagawin naman sa Palawan.