Ilulunsad na sa Lunes, Oktubre 3, ang taunang KAMANDAG Military Exercise sa pagitan ng Philippine Marine Corps at United States Armed Forces, 31st at 11th Marine Expeditionary Units.
Ang Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat (KAMANDAG) activities ay isasagawa sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Batanes, at Palawan mula October 3 hanggang October 14.
Nabatid na kasama sa pagsasanay ang 530 Philippine Marines at 2,550 U.S. Marines, isang daang tauhan ng Philippine Navy at Phil. Air Force.
Lalahok din sa kauna-unahang pagkakataon bilang observers ang Japan Ground Self-Defense Force at Republic of Korea Marine Corps.