Umarangkada na ang Kamandag Military Exercises ng Philippine at US marines.
Ayon kay Philippine Marine Spokesperson Captain Maria Rowena Dalmacio, sesentro ang pagsasanay sa humanitarian disaster response at paglaban sa terorismo.
Dagdag ni Dalmacio, ang nasabing military exercises ay bahagi ng pagtutulangan ng Pilipinas at Estados Unidos para sa pagtugon sa mga sakuna o krisis at pagpapanatili ng katahimikan sa rehiyon.
Gaganapin aniya ito sa iba’t ibang bahagi ng Luzon tulad ng ternate Cavite, Tarlac at Zambales.