Nagkasundo ang Kamara at Department of Finance (DOF) na ipamahagi na lamang sa mga sinalanta ng kalamidad ang nakumpiskang smuggled rice.
Sa pagdinig ng Kamara, positibo ang naging tugon ng DOF sa panukalang ito ni House Committee on Ways and Means chair. Dakila Cua.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, hindi tutol si Finance Secretary Carlos Dominguez III na ipamigay sa mga nasalanta ng sunud-sunod na bagyo ang mga nakumpiskang bigas ng Bureau of Customs (BOC). Kaya’t sumulat na siya sa BOC para hilinging ibigay na lamang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasabat na bigas.
Pinag-aaralan na nila kung sa paanong paraan ito maisasagawa.
(Ulat ni Jill Resontoc)
Kongreso at DOF nagkasundo na ipamahagi sa mga biktima ng kalamidad ang mga nakumpiskang smuggled rice @dwiz882
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) August 28, 2018