Planong maglaan ng kamara at senado ng siyam napung bilyong pondo para ipamahagi sa mga health workers sa susunod na taon.
Kasunod ito ng naging pagtalakay ng Bicameral Conference Committee kaugnay sa P5.024 trillion na 2022 general appropriations bill kung saan, target nila na mapagkasunduan ang naturang pondo para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga health workers sa ilalim ng programmed funds.
Matatandaang walang naging alokasyon ang Department of Health (DOH) para sa SRA ng mga healthcare worker sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program dahilan para magreklamo ang grupo ng mga nurse.
Ayon kay Appropriations Committee Chairman Eric Yap, dapat na magkaroon ng benepisyo ang mga medical at healthcare workers dahil hindi parin natatapos ang pandemiya sa bansa matapos magkaroon ng panibagong virus na Omicron variant.—sa panulat ni Angelica Doctolero