Balik-trabaho na ang Mababang Kapulungan ng kongreso makaraang suspendihin dahil sa dalawang linggong enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Tiniyak ni house speaker Lord Allan Velasco na magdodoble-kayod ang kamara simula ngayong araw upang talakayin ang mga nakabinbing batas.
Sa memorandum na inilabas ni house secretary-general Mark Mendoza, simula ngayong araw magbabalik na ang plenary session sa pamamagitan ng hybrid platform.
Magaganap ang mga sesyon tuwing alas dos hanggang ala-5 ng hapon kung saan limitado lamang ang pisikal na dadalo habang ang nalalabing miyembro ng kamara ay dadalo sa pamamagitan ng videoconference.—sa panulat ni Drew Nacino