Bukas ang Kamara sa mga panawagang pag aralan ang pagbasura sa RTL o Rice Tariffication Law.
Kasunod na rin ito ng pinaikot na manifesto ng grupong Bantay Bigas kung saan nasa 50,000 magsasaka na ang pumirma.
Tinanggap nina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority Floor Leader Martin Romualdez ang petisyon ng ibat ibang grupo ng mga magsasaka na humihiling na i repeal na ang nasabing batas.
Isasalang naman sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food sa susunod na buwan ang dalawang panukalang nagpapabasura at isang panukalang nag a amiyenda sa batas sa pagluwag sa pag iimport ng bigas.