Bumuo ang Kamara ng ad hoc committee na tututok sa COVID-19 pandemic response ng gobyerno.
Ang nasabing komite ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez ay tututok sa lahat ng usapin hinggil sa ginagawa ng gobyerno kontra COVID-19 kasama na ang mga hakbangin para tugunan ang epekto nito sa ekonomiya at labor force.
Magsisilbing chairperson ng komite si House Speaker Alan Peter Cayetano na nagsabing bukas na sila sa anumang panukala ng mga kapwa kongresista.
Ang nasabing ad hoc committee ay bubuuin ng mga komite ng health, economic affairs, tourism, trade and industry, labor and employment, public information, banks and financial intermediaries, appropriations, ways and means, local government at metro manila development.
Magiging bahagi rin ng komite ang mga kinatawan mula sa itinuturing na most vulnerable areas.