Dapat na aminin ng Kamara ang pagkakamali nito sa kabiguang dinggin ang 11 panukala para sa renewal ng prangkisa ng ABS- CBN.
Ayon ito kay Congressman Edcel Lagman kayat tila hugas kamay si House Speaker Alan Peter Cayetano sa usapin gayung siya ang ang gumawa ng gulo dahil sa pagiging bulag sa paulit ulit na pagkontra ng Pangulong Duterte sa franchise renewal ng Kapamilya network.
Sinabi ni Lagman na hindi dapat maghugas kamay si Cayetano at sisihin ang iba sa usapin at ang pag amin ng kasalanan naman ay patunay ng isang tapat na liderato.
Una nang sinisi ni congressman Lito Atienza si Cayetano sa Cease and Desist Order na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS- CBN.