Suportado ng Kamara De Representates ang hiling ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ilipat sa ilalim ng Office of the President ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mapapabilis nito ang paggalaw ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa paghahanda sa kalamidad at pagtugon sa pinsala nito.
Ang NDRRMC ay nilikha sa pamamagitan ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 kung saan ito ay pinamumunuan ng kalihim ng DND at nagsisilbing vice chairperson naman ang kalihim ng iba’t ibang ahensya.
Sa ngayon, nasa Department of National Defense-Office of Civil Defense (OCD) ang NDRRMC.