Ayaw pa umanong makisawsaw ng Kamara sa usapin ng tokhang for ransom.
Sinabi ni House Public Order and Safety Committee Chair Romeo Acop na kailangan pa nila ang pag-apruba ng mayoryang miyembro ng komite bago pa isulong ang isang moto propio investigation hinggil sa usapin.
Ayon kay Acop, bahala ang House Rules Committee na magpasya kung saang komite ipapasa ang imbestigasyon ng usapin sakaling may maghain ng resolusyon hinggil dito.
Hinihintay na rin aniya nila ang report mula sa PNP sa mga kasong may kaugnay sa tokhang for ransom para pag-aralan ang kaso lalo na ang pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
By Judith Larino