Nakahanda ang Kongreso na kumbinsihin ang mga senador na ipasa ang divorce bill.
Sa gitna ito ng di umano’y pagtutol ng Pangulong Rodrigo Duterte at ilang senador sa naturang panukala.
Pinawi ni Congressman Edcel Lagman ang di umano’y pangamba ng mga tutol sa diborsyo na maapektuhan ng husto ang mga anak kapag nag-diborsyo ang mga magulang.
Kung tutuusin maganda pa aniya ito sa mga bata dahil hindi na nila masasaksihan ang palaging pag-aaway ng kanilang mga magulang at mapapalaya na rin ang isang asawa mula sa pang-aabuso ng kabiyak.
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang divorce bill ay nasa kamay na ngayon ng Senado kung magpapasa ng kahalintulad na panukala.
—-