Handang mag-overtime ang kamara para mapabilis ang pagpapatibay ng panukalang 2020 national budget.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kahit Huwebes, Biyernes at holiday ay magtatrabaho sila para mabilis na matapos ang panukala.
Kapag holiday aniya ay kahit sa labas ng Batasang Pambansa gawin ang hearing ng mga komite.
Maliban dito target din umano na pagsabay-sabayin ang mga pagdinig ng mother committees at sub committees.
Gayunman, pinapayuhan ang mga mambabatas na hangga’t maaari ay dumalo ng dalawa hanggang tatlong pagdinig para makabahagi ng kanilang expertise o kaalaman sa tinatalakay.
Inaasahan ni Cayetano na maisusumite sa kanila ng Malakanyang ang 2020 general appropriations bill sa pagitan ng Agosto 16 hanggang 20 o mas maaga pa.