Handa ang Kamara na magsagawa ng special session kung kakailanganin para matugunan ang pangangailangan sa banta ng COVID-19.
Ipinabatid ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nagsabi pang magtatrabaho ang Kamara sa susunod na limang linggo sa kabila ng kanilang Holy Week break.
Ayon kay Cayetano tiniyak sa kaniya ni Majority Leader Martin Romualdez na magta trabaho parin ang mga komite at kung kakailanganin ay magkakasa ng special session para labanan ang COVID-19 at tugunan ang health concerns ng mga nagkasakit at posibleng mahawa pa ng naturang virus.
Isa rin sa mga dapat tutukan ng kamara ang kabuhayan, turismo at ekonomiya na higit na maapektuhan dahil sa COVID-19.
Una nang inaprubahan ng house appropriations committee ang substitute bill para sa P1.65-B supplemental budget para tugunan ang kampanya kontra COVID-19.