Hihintayin muna ng Kamara ang magiging pasya ng mga mahistrado ng Korte Suprema hinggil sa inihaing Quo Warranto petition ni Solicitor General Jose Calida para kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito’t ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas dahil lubhang mahalaga aniyang usapin ito sa sangay ng hudikatura.
Nilinaw din ng mambabatas na kulang ang natitirang anim hanggang pitong session days ng Kongreso para pa-aralan ang ikinakasang Articles of Impeachment dahil karaniwan aniya itong tumatagal ng 10 araw.
Nakatakdang pagbotohan ng mga mambabatas bukas, Pebrero 08 ang binuong Articles of Impeachment laban kay Sereno at posibleng sa Hunyo o Hulyo na simulan ng Senado ang pagtitipon bilang impeachment court.
Jaymark Dagala / Jill Resontoc / RPE