Nanindigan ang liderato ng Kamara na hindi nila ipatutupad ang dismissal order ng Ombudsman laban kay Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwendolyn Garcia.
Ayon mismo kay House Speaker Pantaleon Alvarez, walang kapangyarihan ang Ombudsman na sibakin si Garcia dahil bahagi ito ng Kongreso bilang isang independent body.
Iginigiit din ni Alvarez na walang ligal na batayan ang kautusan ng Ombudsman laban kay Garcia na isang naka-upong miyembro ng Kamara dahil sa nangyari aniya ang ibinibintang dito sa panahon na siya’y gubernador pa ng lalawigan ng Cebu.
Magugunitang pinasisibak ng Ombudsman si Garcia dahil sa maanomalyang pagbili nito sa Balili Property sa Tiga-an sa bayan ng Naga nuong 2008.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio