Hiniling muli ng Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Nakasaad sa liham na nilagdaan nina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas, na target nilang maipasa ang BBL sa ikatlo at huling pagbasa bago ang “Sine Die Adjournement” ng Kongreso sa katapusan ng buwan.
Sa oras na masertipikahan ang naturang panukala bilang ‘urgent’, hindi na nito kailangan sumailalim sa sa ‘three-day layover rule’ matapos na maipasa sa ikalawang pagbasa.
Una rito, hiniling din ng Senado kay Pangulong Duterte na sertipikahang urgent ang kanilang bersyon ng BBL.
Congress asked PDu30 to certify as urgent the BBL bill @dwiz882 pic.twitter.com/YHAs5C8uKE
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) May 23, 2018