Ibabalik na ng House Committee on Appropriations ang orihinal na budget para sa susunod na taon ng tatlong ahensyang nabigyan ng tig-P1,000 budget.
Kabilang dito ang CHR o Commission on Human Rights, ERC o Energy Regulatory Commission at NCIP o National Commission on Indigenous People.
Ayon kay Committee Chairman Karlo Nograles binigyan na sila ng go signal para isulong ang pagbabalik ng budget ng mga nasabing ahensya matapos umapela ang pinuno ng mga ito kay House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ang CHR ay may original budget na 678 million pesos, 365 million pesos naman sa ERC at 1. 2 billion pesos sa NCIP.
Ulat ni Jill Resontoc