Idadaan sa nominal voting ang gagawing botohan sa death penalty bill committee report sa Pebrero 28.
Ayon kay Oriental Mindoro Representative Rey Umali, Chairman ng House Committee on Justice, nais na makilala isa-isa ng liderato ng Kamara ang mga boboto pabor o hindi sa muling pagbuhay sa parusang kamatayan.
Idinagdag pa ni Umali na tutol ang House leadership na idaan ang botohan sa pamamagitan ng viva voce o voice vote.
Kaugnay nito, sinabi ni Deputy Speaker Fredenil Castro na aabot sa 220 kongresista ang payag na maisabatas ang death penalty bill.
By Meann Tanbio | Report from Jill Resontoc (Patrol 7)