Isinulong na sa Kamara ang pag amiyenda sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Sa pamamagitan ito ng house bill 4628 na isinampa ni Leyte Congressman Vicente Veloso III.
Bukod dito inhain din ni Veloso ang bukod na house bill 4553 na nai-refer na sa house committee on revision of laws na naglilimita lamang sa 40 taon na maximum period na pagkakakulong ng isang preso kahit na nahatulan siya ng ilang bilang ng life imprisonment.
Ang mga nasabing panukala ay inaasahang mag aayos sa mga kapalpakan sa pagbibigay ng GCTA na magreresulta sana sa pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa mga kasong rape at double murder.
Sa ilalim ng house bill 4628 tatapyasan nito ang pagiging generous sa application ng GCTA kung saan sa ilalim nito ay bibigyan ng maximum GCTA ang isang convict ng 20 araw kada isang buwan nang pagkakakulong matapos makapagsilbi ng 11 taon o higit pa ang isang preso.
Samantalang sa ilalim ng RA 10592 napuna ni Veloso na libre sa pagbibigay ng maximum na 30 araw kada buwan nang pagkakakulong sa loob ng 11 taon o higit pa.
Sa ilalim ng panukala ni Veloso ang minimum GCTA ay limang araw ang ibabawas kada sentensya ng isang convict na nakakulong na ng halos dalawang taon.
Naniniwala rin si Veloso na ang 20 araw na GCTA ay tugon sa legal na kontrobersya sa computation na nabigyan nito para sa buwan ng Pebrero na may 28 araw.