Na-i-turn-over na ng Kamara sa Philippine National Police (PNP) ang P13 million reward money sa makapagtuturo sa pumatay kay Ako Bicol Party list Rep. Rodel batocabe.
Kasunod ito ng naging patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte na sya palamang ang tumupad sa ipinangakong reward money.
Kahapon, sa isang simpleng seremonya iniaabot nina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Negros Occidental Rep. Albee Benitez at Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin ang P8 million kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde.
Nilinaw ni Garbin na nuon pang nakaraang linggo ay naibigay na nila sa PNP ang paunang P5 million.
Kabuuang P50 million ang nakatakdang paghatian ng mga suspek na nagturo ng kanilang mga kasama sa krimen kung saan naibigay na ang P20 million mula sa pangulo at P13 million mula sa Kamara.
Habang pa unti-onti namang ibibigay ang natitirang P15 million mula sa Ako Bicol Party list group at P2 million sa lokal na pamahalaan ng Albay.