Iginagalang ni Senate President Aquilino Pimentel III ang naging pagbabanta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi bibigyan ng budget ang mga lokal na opisyal na kokontra sa isinusulong na Cha-Cha o Charter Change tungo sa Pederalismo.
Sinabi sa DWIZ ni Pimentel na tulad aniya ng isang karaniwang Pilipino, malaya si Alvarez na maghayag ng kaniyang sariling opinyon bagama’t batid naman nito na isang batas na dapat ipasa ng Kongreso ang budget.
Ang budget natin ay batas so give and take po iyan just like any other law. But I will respect the right of the Speaker to freely speak his mind. Pahayag ni Pimentel
Una rito, kumambiyo si Alvarez at iginiit na walang katotohanan ang lumabas na pahayag tulad na rin ng lumutang na “No-El” o No Election scenario sa 2019.
Wala akong sinasabing ganyan, ginagawan nila ako ng kwento. Fake news po iyan. Tinanong po kasi ako, ang sabi ko posible ‘yan pero hindi ko sinabi na mangyayari ‘yun. Pahayag ni Alvarez
Samantala, sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na posibleng makasuhan naman ang Comelec o Commission on Elections kung gagawin ang plebesito kapag ang iginiit ng Kamara ang anito’y “solo Cha-Cha”.