Magpapalabas ng subpoena duces tecum ang House Justice Committee para kay University of the Philippines o UP President Danilo Concepcion.
Nais ng komite na isumite ni Concepcion ang kopya ng Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong nasa UP pa siya.
Kabilang sa iisyuhan nito si BIR Commissioner Cesar Dulay para isumite naman ang tax records ni Sereno na magpapatunay kung nagbayad ang punong mahistrado ng buwis sa kinitang milyones sa kaso ng Philippine International Air Terminals Company Inc. o Piatco.
—-