Magkakasa ng ocular inspection ang House Committee on Ways and Means sa mga bonded warehouse sa bansa.
Layon ng naturang hakbang na imbestigahan ang posibleng smuggling sa bansa sa pamamagitan ng warehousing system.
Ayon kay Customs Deputy Commissioner Edward James Dy Buco, sa ilalim kasi ng sistema ng bonded warehouse ng Bureau of Customes (BOC), pinapayagan ang pag-iimbak ng commodities o goods tulad ng aviation fuel na ginagamit sa international flights at mga raw materials nang walang tax.
Dahil dito hindi maiaalis na may mga kumpanyang gumagamit ng bonded warehouses at iniimbak ang kanilang produkto na dapat ay may tax.
Kaugnay nito, pinag-aaralan na rin umano ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagpapahinto ng pag-gamit ng bonded warehouses para mabawasan na ang mga paraan sa pagpupuslit ng iba’t ibang produkto sa bansa.