Malamig ang ilang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso sa panukalang muling imbestigahan ang madugong Mamasapano incident noong Enero.
Ito’y ayon kay House Committee on Public Order and Safety Chairman Jeffrey Ferrer ay dahil sa matagal na nilang tinapos ang pagdinig hinggil dito.
Aniya, may nabuo na silang report batay sa mga ebidensya at testimoniyang inilahad sa kanila ng mga sangkot sa insidente kaya’t wala na aniyang dahilan para muli pa itong buksan.
Ginawa ni Ferrer ang pahayag kasunod ng pinalulutang na alternative truth sa insidente ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa aniya’y marami pang kailangang malinaw na usapin dito.
By Jaymark Dagala