Malamig ang mababang kapulungan ng Kongreso sa panukalang gawin na ring ligal ang same sex marriage sa bansa.
Ito’y sa kabila ng malawakang pagtanggap ng mga Pilipino sa Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders o LGBT Community sa bansa.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, tutol siya na sumunod ang Pilipinas sa naging desisyon ng United States Supreme Court hinggil sa pagsasaligal ng same sex marriage bagay na sinang-ayunan naman ng iba pang mga mambabatas.
Tulad na lamang ni Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas na nagsabing paano maisasaligal ang same sex marriage sa Pilipinas gayung hirap na makalusot ang panukalang isaligal ang deborsyo.
Para naman kay Isabela Representative Rodolfo Albano III, tiyak na hindi uusad sa kongreso ang nasabing panukala lalo’t malakas pa rin ang kulturang konserbatibo ng mga Pinoy dahil na rin sa impluwensiya ng Simbahang Katolika.
By Jaymark Dagala