Malugod ring tinanggap ng House of Representatives ang napipintong pag upo ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Illegal Drugs o ICAD.
Ayon kay Congresswoman Stella Luz Quimbo na miyembro ng Liberal Party, umaasa sila na mabibigyan ng tamang resources at otoridad si Robredo para epektibong maipatupad ang hamon ng pamngulo.
Sinabi ni Quimbo na umaasa sila na mapagbibigay si Robredo na makapili ng makakasma sa kanyang team at kung puwede niyang mapili ang head ng mga ahensyang tulad ng PDEA at DILG.
Sinegundahan si Quimbo ni House Minority Leader Benny Abante Jr samantalang naniniwala naman si ACT-CIS Party List Representative Nina Taduran na makakatulong ang fresh perspective na dala ng vice president sa kanyang pulong.