Mananatiling naka-lockdown hanggang sa susunod na linggo ang House of Representatives dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at ilang katabing lalawigan.
Ayon kay speaker Lord Allan Velasco, iiral ang lockdown sa January 10 hanggang 16 para maprotektahan sa virus ang mga empleyado.
Unang ini-lockdown ang Batasang Pambansa Complex sa Quezon City na nagsimula nitong Martes, January 4.
Sa January 17 naman muling magpapatuloy ang sesyon sa kamara pero 20% lang ng workforce ang papayagan.
Sa ngayon, inatasan na ni Velasco si House Secretary-General Mark Llandro Mendoza para mahigpit na ipatupad ang implementasyon ng lockdown sa Kamara.—sa panulat Abigail Malanday