Inakusahan ng mga mambabatas ang mga importer at negosyante ng bigas ng pagsasabwatan para mapanatiling mataas ang presyo ng bigas sa kabila ng pagbaba ng taripang ipinapataw sa imported na bigas ay mayroong sobrang suplay sa bansa.
Sa pagdinig ng House Quinta Committee o Murang Pagkain Super Committee, na itinatag sa ilalim ng House Resolution no. 254 na isinulong ni speaker Ferdinand Martin Romualdez, sinabi nina Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo at Agap Party-List Rep. Nicanor Briones na ang isang kalakaran ng labis na pag-iimbak, magkakaparehong may-ari ng mga pangunahing importer, at pagsasamantala upang lumaki ang kita.
Ayon kay Cong. Quimbo, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority malinaw aniya na nagpapakita na sobra ang suply ng bigas kung saan bumaba ito mula 82.5% noong 2023 hanggang 69% ngayong taon.
Dagdag pa ng mambabatas na malinaw na may sabwatan sa loob ahensya.