Binigyang-linaw ni House Deputy Majority Leader and Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay na tanging ang ipinatong na porsyento lamang sa excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN law ang nais suspendihin ng kamara sa loob ng anim na buwan at hindi lahat ng excise tax sa petrolyo bunsod ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo nito.
Sa katunayan, naglagay pa nga aniya ng colatilla na ‘pag bumaba na sa $65 ang kada barrel ng langis agad na ibabalik ang umiiral na excise tax.
Matatandaang, ipinanukala ni Suntay ang house bill 10488 na layuning bawasan ang excise tax sa diesel, kerosone at LPG sa zero habang P4.35 ang nais ibawas sa presyo low octabe gasoline a na kadalasang gamit ng tricycle drivers.