Tiniyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na papaspasan nila ang pag-aakyat sa Senado ng impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice On Leave Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Alvarez, ito aniya ang kanilang uunahin sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa darating na Mayo 14.
Dagdag pa ng speaker, tama naman ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring magsabay ang impeachment trial at ang pagtalakay sa Quo Warranto Petition laban sa punong mahistrado.
Magugunitang ni-refer na sa plenaryo ng Kamara ang Articles of Impeachment na ipinasa ng House Committee on Justice bago pa man ang kanilang lenten break nuong Marso 21.
Una rito, ini-utos na ng Pangulo sa Kamara na bilisan ang pag-aakyat sa impeachment case laban kay Sereno sa Senado makaraang ideklara niya na itong kaaway.