Kinalampag muli ng Kamara ang DOTR o Department of Transportation sa anito’y hindi naipatutupad na speed limiter law o paglalagay ng device na otomatikong maglilimita sa 80 kilometer per hour na speed limit ng mga bus.
Kasunod ito ng aksidente ng isang bus ng Panda Coach Bus Incorporated sa Tanay,Rizal na ikinasawi ng 15 katao.
Ayon kay Congressman Jerry Trenias bigo ang DOTR na bumuo ng technical working group para bumalangkas ng implementing rules and guidelines isang taon matapos maisabatas ang Republic Act 10916 o Road Speed Limiter Act of 2016.
Sinabi ni Trenias, pangunahing may akda ng naturang batas ang reckless o human error ang pangunahing dahilan ng aksidente sa kalsada at batay sa itsura ng bus ay kitang kitang nag over speeding ito.
Inihayag ni Trenias na naiwasan sana ang Tanay bus crash kung naka install sa bus ang speed limiter.
Dahil dito iginiit ni Trenias na dapat nang simulan ng DOTR ang konsultasyon nito sa DOST, DTI at MMDA sa pagbuo ng IRR para sa naturang batas.
By : Judith Larino