Naghahanda na para sa nalalapit na budget deliberation ng panukalang pambansang pondo para sa 2023 ang minorya sa kamara.
Ayon kay Deputy Minority Leader Bernadette Herrera, sinimulan na nila ang pagtatalaga ng assignments gayundin kung paanong hihimayin ang 5.27 trillion pesos na proposed national budget.
Aniya, isa rin sa kanilang tinitignan kung akma mga proposed programs at expenditures ng mga national agency sa nais ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, sinabi rin ni Herrera na kanilang aaralin ang posibleng budget cut sa mga ahensya para sa mga mahahalagang proyekto o programa.