Naglaan na ang Kamara ng 40 Bilyong Piso para sa free college education sa mahigit 100 State Universities and Colleges at locally funded schools, sa susunod na taon.
Ayon kay Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng House Appropriations Committee, 30 Billion mula sa 40 Billion Pesos ay hinugot mula sa school building program ng Department of Education.
Ang pondo anya para sa mga school building project na may mga problema gaya ng kakulangan ng espasyo o lupang pagtatayuan ay ini–realign sa free college education.
Humugot din ang kumite ng 6 Billion Pesos mula sa scholarship programs ng Commission on Higher Education at S.U.C. habang 3 Billion Pesos ang kinuha mula sa Department of Transportation at 1 Billion Pesos mula sa Department of Information and Communications Technology.
SMW: RPE