Pinaalalahanan ng kamara ang mga bisita na dadalo sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magpa RT-PCR test bukas ng hapon.
Batay sa inilabas na panuntunan ng mababang kapulungan ng kongreso, lahat ng papasok sa south wing, north wing at plenaryo ay dapat may negative RT-PCR test.
Layunin nito na masiguro na nasusunod ang safety health protocols sa SONA ni PBBM.
Maging ang mga media na magko-cover ay dapat magdala ng kopya ng kanilang vaccination card, RT-PCR test result at health declaration form bago payagan na makapasok.
Para mapanatili naman ang sanitation at clearing measures ng Presidential Security Group (PSG), lilimitahan lamang sa dalawa ang papasok na mga personnel mula sa iba’t ibang congressional offices at dapat ang mga pangalan ay naisumite na sa Legislative Security Bureau.