Nagkaroon ng pagpupulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para hanapan ng long term solution ang problema sa dengue.
Kabilang sa inimbitahan ni House Minority Leader Martin Romualdez ay si Health Secretary Francisco Duque III.
Dito ay hinimok ni Duque ang mga mambabatas na itulak sa mga local government unit na pumasok sa kasunduan sa mga ospital sa kanilang lugar para mapalawak ang medical assistance mula sa DOH.
Ginarantiya din ng kalihim sa mga kongresista na maliban sa financial support ng DOH, maari ring maipagamit ang ilang makina at kemikal na kailangan ng LGUs para sa anti – dengue drive.
Mula lamang Hunyo 30 hanggang Hulyo 6, aabot na sa 5,000 ang karagdgang kaso ng dengue kung saan tatlumput lima sa mga ito ang nasawi.