Nagsagawa ng Emergency Preparedness Drill ang kamara bilang paghahanda sa ibat-ibang uri ng kalamidad na posibleng tumama sa Pilipinas.
Layunin ng naturang aktibidad na magkaroon ng kasanayan ang lahat ng mambabatas kung ano ang nararapat gawin at maiwasan ang panic tuwing magkakaroon ng emergency sa gitna ng sesyon.
Ayon sa mga liderato ng kamara, dapat masanay ang mga kawani sa pagdaan sa mga emergency exits na dapat pinupuntahan palabas ng building tuwing may sakuna partikular na ang lindol at sunog.