Nagtalaga na ang Kamara ng caretaker para sa Iloilo City kasunod ang suspensyon ni Iloilo City Congressman Jerry Trenias.
Ayon mismo kay Trenias itinalaga ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Iloilo Third district Arthur Defensor, Jr. bilang caretaker ng lungsod.
Matatapos naman sa April 5 ang tatlong buwang suspensyon ni Trenias na nag ugat sa kasong katiwalian dahil sa umanoy maanomalyang pagbibigay nito ng pondo para sa pagpapatayo ng building ng Iloilo Press Club nuong alkalde pa lamang ito ng lungsod.