Nakahanda ang Kamara na suportahan ang paglalaan ng pondo sa pagpapatayo ng treatment at rehabilitation centers para sa mga drug user.
Ayon kay House Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers, nakahandang maglaan ng pondo ang mababang kapulungan.
Tiniyak din nila na kada budget hearing ay may pondong nakalaan para sa rehab centers para suportahan ang operasyon at mga kinakailangang facilities dito.
Idinagdag pa ni Barbers na kung kailangang dagdagan ang pondo para sa treatment at rehab centers, handa itong pag-aralan at ibigay ng Kamara.
Naniniwala ang mambabatas na tulad ng mga mayroong sakit ay dapat ring gamutin ang mga nalulong sa iligal na droga at huwag basta ituring na isang kriminal.
Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ng Kamara ang budget proposal ng DOH o Department of Health para dito.
- Meann Tanbio