Aabot sa P120M ang nalikom ng Kamara sa ikinasang relief drive operation para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, P70.92-M cash at pledges ang kanilang natanggap para sa mga biktima ng sunog sa Navotas City kung saan lima ang naitalang nasawi habang dalawa naman ang sugatan.
Pumalo naman sa P49.2-M in cash at in kind donations ang natanggap ng kamara sa isinagawang relief drive operations para sa mga residenteng naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Sinabi ni Romualdez na ang natanggap na donasyon ng Kamara ay agad nilang ipamamahagi sa mga pamilyang apektado ng bagyo at sunog sa Metro Manila at mga lalawigan.
Sa kabila nito, nagpasalamat ang lider ng Kamara sa mga kasamahang kongresista at sa iba pang lokal na pamahalaan na patuloy na nagpapaabot ng malasakit sa mga nangangailangan ng tulong.