Tututukan ng House of Representatives ang ratipikasyon ng 2023 national budget.
Ito ang binigyang diin ni Congressman Jolo Revilla kasunod ng pagbabalik ng sesyon ng 19th congress.
Ayon sa mambabatas, karamihan sa mga gagawing realignment ng kamara sa 2023 General Appropriations Act ang pagbibigay tulong sa mga lugar na labis na tinamaan ng kalamidad, gaya ng lindol at bagyo.
Gayunman, kinakailangan ring maihanda ang bawat lokal na pamahalaan sa mga hindi maiiwasang sakuna na maaaring tumama sa bansa bawat taon.