Walang namumuong iringan sa pagitan ng Kamara at ng Ombudsman sa kabila ng hindi nito pagpapatupad sa dismissal order laban kay Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwen Garcia.
Iyan ang nilinaw ni House Speaker Pantaleon Alvarez sabay giit na walang kapangyarihan ang Ombudsman na suspindehin o patalsikin sa puwesto ang sinumang miyembro ng Kongreso.
Paliwanag ng Speaker, malinaw ang nakasaad sa 1987 Constitution na tanging ang Kamara lamang ang may kapangyarihan para kastiguhin at parusahan ang sinumang mambabatas.
Kailangan din aniya itong makakuha ng 2/3rds vote sa plenaryo para pagpasyahan ang magiging hatol sa isang inirereklamong mambabatas ng mababang kapulungan.
Gayunman, iginiit ni Alvarez na iginagalang pa rin nila ang Ombudsman sa kabila ng kanilang mariing pagsuway sa kautusan nito dahil ipinatutupad lamang nila kung ano ang nasasaad sa batas.
Posted by: Robert Eugenio