Pag-aaralan ng Kamara ang iba’t-ibang programa na maaaring ipatupad para makatulong sa mga manggagawang apektado ang hanapbuhay ng community quarantine dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ilalatag ang ilang short term relief package na posibleng makaayuda sa mga manggagawa.
Kabilang aniya rito ang Pantawid Pasada Program para sa mga tricycle at jeepney driver at ang Tupad program o ang tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers para sa mga displaced na manggagaw.
Dagdag pa ni Cayetano, maaaring makatanggap ng tulong pinansyal ang isang empleyado na tinamaan ng COVID-19 at kailangang sumailalim sa quarantine.
Una nang tiniyak ng DSWD ang pagkakaroon ng sapat na pondo para sa pantawid programs.