Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Kamara sa petisyong inihain ng mga online content creators at influencers laban sa pagdinig ng mababang kapulungan ng kongreso kaugnay sa fake news.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, ipinag-uutos ng kataas-taasang hukuman na mag-komento ang kamara sa loob ng 15 araw mula nang ilabas ang notice noong February 11.
Nabatid na naghain ng petisyon ang ilang influencers upang maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa pagdinig ng kamara kaugnay sa fake news dahil anila banta ito sa freedom of speech.
Kabilang sa mga petitioners sina Atty. Trixie Cruz-Angeles, Mark Anthony Lopez, Ernesto Abines Jr., at iba pa. —sa panulat ni John Riz Calata