Pinagsusumite ni House Quinta Committee Co-Chair Mark Enverga ang Department of Agriculture ng supply chain analysis sa mga produktong agrikultura.
Sa pagdinig ng Murang Pagkain Super Committee, natukoy na isa sa dahilan kung bakit nananatiling mataas amg presyo ng bigas ay ang mahabang supply chain.
Sa pahayag ni Agriculture Usec. Asis perez, may tatlong layers na dinadaanan ang bigas bago mapunta sa mga retailer dahilan kaya mahaba ang proseso nito bago makarating sa merkado.
Ibinulgar ni cong. Enverga, na mayroong P11 na patong sa bigas ang mga importer mula bago pa ito makarating sa mga retailer.
Hindi rin aniya maaaring isisi ang lahat sa retailers dahil maging sila ay may dagdag pang mga gastos gaya ng bayad sa pwesto at iba pang dues na sinisingil ng mga lokal na pamahalaan.