Nais na ring imbestigahan ng Kamara de Representantes ang mga malasakit centers sa bansa na nakikinabang sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, may nakarating na impormasyon na mas marami ang bilang ng mga nagkakasakit kaysa sa mga nabibigyan ng tulong.
Mas nagagamit daw bilang partisan tool ang malasakit center kaysa isang medical outlet.
Base sa budget presentation ng PCSO, nasa halos P3-B ang budget na nakalaan para sa mga indigent medical assistance program kung saan kasama ang malasakit center.
Matatatandaang naghain ang Kamara ng panukala para sa planong institutionalization ng mga malasakit center sa bansa.
With report from Jill Resontoc