Pinaiimbestigahan sa Kamara ang OCTA Research Group na regular na naglalabas ng projections at babala kaugnay sa COVID-19 pandemic.
Batay sa House Resolution 2075, na inihain ng limang mambabatas, hinihikayat ang House Committee on Good Government and Public Accountability na silipin ang credentials at background ng mga bumubuo ng OCTA Research.
Nais ng mga mambabatas na ito na matukoy ang kwalipikasyon, mga isinasagawang pagsasaliksik, methodologies partnerships at composition ng OCTA Research.
Pinabeberipika rin ng mga ito ang tunay na koneksyon umano ng OCTA Research at University of the Philippines.
Ang mga mambabatas na naghain ng nasabing resolusyon ay sina:
-Deputy Speaker Bernadette Herrera
-Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan
-Deputy Speaker Sharon Garin
-Deputy Minority Leader Stella Luz Quimbo
-Quezon City, 4th District Rep. Jesus “Bong” Suntay