Pinatitiyak ng Kamara sa National Food Authority (NFA) ngayong holiday season ang katatagan ng presyo ng supply ng bigas.
Sinabi ni House Appropriations Committee Chair Karlo Nograles na dapat gumawa ng paraan ang NFA para mapanatiling matatag ang presyo ng bigad tulad nang pagpapaigting sa pamimili ng palay.
Nabatid na sa dalawa punto isang milyong sako ng bigas ang nasa imbentaryo ng NFA hanggang nitong Setyembre 25, hindi na raw aabot ang bilang na ito hanggang sa katapusan taon.
Pumapalo sa 128,000 sako ng bigas ang inilalabas ng ahensya kada araw kayat ang stock na ito ay tatagal lamang hanggang Oktubre 12.
Subalit sa sandaling ma-unload na ang mahigit tatlong milyong sako ng bigas mula sa mga barko posibleng tumagal ang buffer stock ng NFA hanggang Nobyembre 6.