Ipinagmalaki ng Kamara na epektibo ang kanilang inilargang lock down policy kung saan hindi pinapapasok ang nahuhuling mambabatas.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, positibo siyang mapapabilis ang kanilang pag-apruba ng mga panukala batas dahil siguro ang quorum tuwing hapon
Hindi aniya naulit na naghihintay pa ng alas-5:00 ng hapon bago makapag-roll call.
Nanghihinayang si Fariñas na ngayon lamang ipinatupad ang lock down policy sa Kamara dahil mas marami aniya silang nagawang batas noong nakaraang sesyon ng Kongreso kung laging pumapasok sa oras ang mga kongresista.
By Rianne Briones