Nag convene na ang Kamara at Senado bilang National Board of Canvassers (NBOC) para magbilang ng mga boto sa pagka-Pangulo at pangalawang pangulo.
Pinangunahan nina Senate President Vicente Sotto, III at House Speaker Lord Allan Velasco ang pagbubukas ng joint session kaninang alas-10 ng umaga.
Ang Senate Contingent ay binubuo nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Protempore Ralph Recto, Senate Minority Floorleader Franklin Drilon at Senators Nancy Binay, Imee Marcos, Grace Poe at Pia Cayetano.
Samantala, ang House Contingent ay binubuo naman nina Majority Leader Martin Romualdez, Cavite Congressmen Jesus Crispin Boying Remulla at Abraham Tolentino, Pampanga Congressman Juan Bondoc, Marikina Representative Stella Quimbo, Ilocos Sur Representative Kristine Singson-Meehan at Aambis-Owa Party List Representative Sharon Garin.
Sinabi ni Zubiri na target ng NBOC na makapagdeklara ng bagong presidente at bise presidente bukas matapos magkasundo ang mga lider ng dalawang kapulungan na tapusin sa loob ng dalawang araw ang Canvassing of Votes. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11) at Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)